Marami tuloy ang nagtatanong kung tuluyan na nga bang ibinasura ni Loren ang KNP motto na "walang iwanan" matapos nitong ilaglag na si FPJ bilang running mate?
Pinatunayan ito ng mga sample ballot na ipinamamahagi ng kampo ni Loren kung saan si Pangulong Arroyo ang mababasang katambal ng senadora.
Ang mga sample ballot ni Legarda ay kinumpirma ng mga K4 local candidates sa mga lalawigan partikular sa Real, Quezon at Iloilo City.
Dahil dito, binalaan ng K4 candidates sa pagka-mayor at gobernador ang publiko sa panlilinlang ng kampo ni Legarda.
Base sa mga sample ballots, hindi lamang si Poe ang inilaglag ni Legarda kundi pati na rin ang buong KNP senatorial line-up dahil ang lumilitaw na kasama ng senadora ay mga senatoriables ng K-4.
Nagngingitngit naman sa galit ang pinakamasugid na youth group supporter ni Poe.
Ayon sa Batang Panday, matagal nang naaamoy ng grupo ang paglaglag ni Legarda sa kanilang idol nang magsimula ang pagsosolo ng lady solon sa pangangampanya.
Tulad ng mga kaibigan, classmates at mga grupo na dating humahanga kay Legarda, ipinagdadasal ngayon ng Batang Panday na matalo ang senadora sa halalan. (Ulat ni Rudy Andal)