Sa huling survey ng Ibon Foundation ay lamang si Loren, 34.5%, laban sa 30.8% ni de Castro.
Sa survey naman ng Proverz Research and Consultancy, Inc., na itinayo ng mga propesor sa UST, mas malaki ang lamang ni Loren, 47% laban sa 42% ni de Castro.
Pati sa absentee voting survey na ginawa ng Asia Pacific Mission for Migrants sa Hong Kong, angat din si Loren.
Ayon naman sa Pulse Asia, ang dating malaking lamang ni de Castro na umaabot sa halos 30% ay naagnas na ng todo at ang pagbulusok ni Loren ay lalo pang lumalakas.
Wala ng duda ang resulta. Si Loren Legarda ang susunod na bise presidente ng Pilipinas, ito ang nagkakaisang pahayag ng mga political analysts. (Ulat ni Rudy Andal)