^

Bansa

Loren rumatsada sa survey

-
Kung baga sa karera ng kabayo, rumaragasa na ngayon ng todo patungo sa finish line si Sen. Loren Legarda sa pagka-bise presidente habang si Noli de Castro na inuulan ng katakut-takot na akusasyon ay kumakain na ng alikabok.

Sa huling survey ng Ibon Foundation ay lamang si Loren, 34.5%, laban sa 30.8% ni de Castro.

Sa survey naman ng Proverz Research and Consultancy, Inc., na itinayo ng mga propesor sa UST, mas malaki ang lamang ni Loren, 47% laban sa 42% ni de Castro.

Pati sa absentee voting survey na ginawa ng Asia Pacific Mission for Migrants sa Hong Kong, angat din si Loren.

Ayon naman sa Pulse Asia, ang dating malaking lamang ni de Castro na umaabot sa halos 30% ay naagnas na ng todo at ang pagbulusok ni Loren ay lalo pang lumalakas.

‘‘Wala ng duda ang resulta. Si Loren Legarda ang susunod na bise presidente ng Pilipinas,’’ ito ang nagkakaisang pahayag ng mga political analysts. (Ulat ni Rudy Andal)

vuukle comment

ASIA PACIFIC MISSION

AYON

HONG KONG

IBON FOUNDATION

LOREN

LOREN LEGARDA

PROVERZ RESEARCH AND CONSULTANCY

PULSE ASIA

RUDY ANDAL

SI LOREN LEGARDA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with