Accuser ni Noli,fake NPA extortionist
May 7, 2004 | 12:00am
Minsan nang inaresto si Noli Baculo na nag-aakusa ng pagsasamantala kay K-4 vice presidentiable Noli de Castro sa pagpapanggap na NPA rebel at pangungulekta ng revolutionary tax.
Sa record ng PNP-Calapan, Mindoro, nagpanggap si Baculo bilang isang miyembro ng NPA at tinangkang hingan ng revolutionary tax na nagkakahalaga ng P150,000 at tatlong armalite ang negosyanteng si Florentino Villas, 64, ng San Vicente West, Calapan City.
Sa sinumpaang salaysay, sinabi ni Villas na tinawagan siya ni Baculo sa kanyang cellphone noong Nob. 2, 2002 at nagpakilalang isang miyembro ng NPA.
Tinakot ni Baculo ang biktima na may mangyayaring masama sa kanyang pamilya kung hindi nito ibibigay ang nasabing revolutionary tax.
Matapos magsumbong ang anak ni Villas sa pulisya, agad namang nagsagawa ng entrapment ang CIDG noong Nob. 3, 2002 at nadakip si Baculo.
Pansamantalang nakakalaya si Baculo matapos magpiyansa ng P24,000 para sa kaso nitong grave threats na nakasampa sa Regional Trial Court 4th Judicial Region ng naturang lalawigan.
Nakilala si Baculo dahil sa walang humpay na pagtuligsa nito kay de Castro sa mga pahayagan at radyo. Inirereklamo ni Baculo ang senador dahil pinagkakitaan umano ng Magandang Gabi Bayan (MB) ang pamangkin nito na si Peter John Barcelona, ang batang walang mga kamay at paa.
Dahil dito kaya naging kahina-hinala ang motibo ni Baculo sa akusasyon nito laban kay de Castro.
Agad namang pinabulaanan ni de Castro ang akusasyon ni Baculo na pinaniniwalaang bahagi ng "vicious demolition job" laban sa senador.
Ayon kay Jesse Andres, legal counsel at spokesperson ni de Castro, hindi maiwasang mabigyan ng kulay pulitika ang akusasyon ni Baculo dahil lumantad ito sa kasagsagan ng eleksiyon. Kinuwestiyon din ni Andres ang motibo ni Baculo sa paghahabol kay de Castro dahil hindi naman nagrereklamo ang mismong mga magulang ni Barcelona.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest