^

Bansa

Mayo 10 laban lang ni GMA at FPJ -Barbers

-
Inihayag kahapon ni reelectionist Senator Robert Barbers na habang nalalapit ang araw ng halalan, ang labanan sa pampanguluhan ay sa pagitan na lamang nina Pangulong Arroyo at Fernando Poe, Jr.

Ayon kay Barbers, tagapangulo ng Senate committee on public order and illegal drugs, ang kalagayang ito ay maihahalintulad sa laban ni boxing champ Manny Pacquiao kay IBF at WBA champion Juan Miguel-Marquez ng Mexico sa kanilang May 9 bout.

Ang laban na pinaniniwalaang "greatest boxing of the year" ayon kay Barbers ay halos magkasunod na petsa ang laban na mag-iiwan ng marka sa kasaysayan ng Pilipinas.

Sinisikap umano ni Pangulong Arroyo na bumaba sa mamamayan para ipaalam ang kanyang ginawa sa loob ng 3 taon at ang magagawa pa niya sa loob ng anim na taon, samantalang si Pacquiao ay nagsasanay ng husto para mapagwagian ang kanyang laban kay Marquez para makapagdala ng karangalan sa bansa.

Ayon pa sa dating kalihim ng DILG, naniniwala siyang magwawagi si Pacquiao sa darating na Mayo 9 na kaagapay ng pagwawagi naman ni GMA at buong K-4 team sa Mayo 10.

Idinagdag pa ng senador, may akda ng anti-terror bill, kapwa masipag si GMA at Pacquiao na base sa kanilang karanasan ay may malakas na personalidad at karakter, kakayahan at pagmamahal sa bansa. (Ulat ni Rudy Andal)

vuukle comment

AYON

FERNANDO POE

IDINAGDAG

INIHAYAG

JUAN MIGUEL-MARQUEZ

PACQUIAO

PANGULONG ARROYO

RUDY ANDAL

SENATOR ROBERT BARBERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with