^

Bansa

Ate Guy binayaran ng P 6.2M para ikampanya si GMA- KNP

-
Aksidenteng nakakuha ng ebidensiya ang KNP na talagang ginagamit ni Pangulong Arroyo ang pondo ng bayan sa kanyang propaganda matapos may mag-abot ng photo copy ng isang tsekeng nagkakahalaga ng P6.2 milyon na ibinayad umano sa serbisyo ni superstar Nora Aunor sa pag-eendorso kay GMA.

Ayon kay Atty. Hector Villacorta ng KNP executive committee, isang hindi nakilalang lalaki ang nag-abot ng photo copy na dokumento habang sila ni Mayor Jejomar Binay, campaign manager ni FPJ sa Metro Manila, ay nagsasagawa ng press conference kahapon sa Silver Place sa Makati City.

Nang alamin ni Atty. Villacorta ang naturang photo copy ay nalaman niyang kopya ito ng Land Bank check no. 0000-42544 na nakapangalan sa superstar na si Nora Aunor bilang kabayaran sa kanyang serbisyo.

Ang account ng tseke na nagkakahalaga ng P6.2 milyon ay sa ilalim ng Office of the President sa Land Bank-Malacañang branch.

Inaalam naman ng KNP kung totoong nagkaroon ng transaksiyon sa ganitong halaga na nakapangalan kay Ms. Aunor sa nasabing bangko.

Sinabi ni Villacorta, dapat lamang nilang alamin muna ito dahil baka patibong lamang ito ng Palasyo para hiyain ang oposisyon sa isang bogus na ebidensiya sa paggamit umano ng pondo ng gobyerno ni GMA sa kanyang propaganda.

Aalamin din ng oposisyon kung saan nagmula ang pinambayad na talent fee sa mga artistang endorsers ni GMA tulad nina Boy Abunda, Ai-Ai delas Alas, Edu Manzano at Kris Aquino na umano’y multi-milyon ang mga talent fee na mas malaki kaysa sa ibinayad kay Ate Guy. (Ulat ni Rudy Andal)

ATE GUY

BOY ABUNDA

EDU MANZANO

HECTOR VILLACORTA

KRIS AQUINO

LAND BANK

LAND BANK-MALACA

MAKATI CITY

MAYOR JEJOMAR BINAY

NORA AUNOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with