Pulso ng Nat'l Press Club: Kay GMA,Loren kami
May 2, 2004 | 12:00am
Sa pamamagitan ng balota ay nagsalita na ang mga miyembro ng media kung sino ang kanilang babasbasang pangulo at ikalawang pangulo sa katauhan nina Pangulong Arroyo at Sen. Loren Legarda makaraang manguna ang mga ito sa ginanap na mock election kamakalawa ng gabi ng National Press Club (NPC).
Malaki ang dinistansya ni Pangulong Arroyo sa kanyang pinakamahigpit na karibal na si KNP presidential bet Fernando Poe, Jr. nang kunin ng una ang 30 boto kontra 20 ni Da King sa kabuuang 96 botanteng lumahok sa nasabing mock election.
Naging halos kalahati naman ang agwat ng nakuhang 41 boto ni Legarda kumpara sa 26 botong nakuha ni Sen. Noli de Castro ng K-4 para sa vice-presidential race.
Isa lamang ang lamang ni FPJ kay Sen. Panfilo Lacson, 19 votes; pang-apat si Bro. Eddie Villanueva, 15 boto, habang 7 mediamen ang pumili kay dating Education secretary Raul Roco para sa pagkapangulo.
Bagaman nadisqualify sa presidential race, nakakuha pa rin si Isang Bansa Isang Diwa presidential bet Eddie Gil ng isang boto.
Ang running mate ni Roco na si Hermie Aquino ay nakakuha ng 8 boto.
Samantala ay nanawagan na ang ilang mga opisyal at miyembro ng Kilusan ng mga Brodkaster sa Pilipinas (KBP) sa kanilang katotong si de Castro na ilahad na ang katotohanan kaugnay sa mga bintang sa kanya upang maisalba ang kakaunting dangal na naiiwan sa mga brodkaster sa industriya,
Inaasahan ng mga kaibigang brodkaster na mabubuksan ang mga mata at sasang-ayon si de Castro sa tinatawag na atonement at self cleansing upang di tuluyang ibasura ng bayan. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest