^

Bansa

Hamon kay Da King: 'Aminin ang paninira sa pamilya Arroyo'

-
Hinamon ngayon ng abugado ni First Gentleman Mike Arroyo si Fernando Poe, Jr. na aminin sa publiko na ang kampo nito ang nasa likod ng mga bayad na patalastas sa mga pahayagan, radyo at telebisyon laban sa pamilya ni Pangulong Arroyo.

Sa isang pahayag, sinabi ni Atorni Jesus Santos na isang desperadong hakbang ang ginagawa ng kampo ng oposisyong Koalisyon ng Nagkakaisang Pilipino upang maisalba ang naghihingalong kandidatura ni Da King.

Naniniwal ang batikang trial at litigation lawyer na panahon na para kay FPJ na isiwalat sa publiko na ang mga alipores nito ang nasa likod ng mga bayad na patalastas laban sa pamahalaang Arroyo.

"Dapat na siyang magpakalalaki at aminin na sila ang may gawa ng iba’t ibang paninira laban sa Unang Pamilya, kung hindi niya ito gagawin, wala siyang karapatan na mag-ambisyon bilang pangulo ng bansa o kaya’y tumakbo man lang bilang kapitan ng barangay," ani Santos.

Aniya, nilipat na ng oposisyon ang taktika nito sa kampanya sa pamamagitan ng paglalabas ng mga black propaganda laban sa pamilyang Arroyo dahil wala naman maihaharap na plataporma de gobyerno ang kanilang kandidato sa pagka-pangulo.

"Nine days na lang at halalan na, may sinabi na ba si FPJ kung ano ang gagawin nito sa Malacañang? Wala, tanging right minus wrong ang ating naririnig sa kanyang mga political ads," pahayag pa ni Santos.

Idinagdag pa nito na bagamat tinatawanan lamang ni Ginoong Arroyo ang mga black propaganda ng oposisyon bilang bahagi ng pulitika, inihahanda na rin niya ang kaukulang kasong isasampa laban dito matapos ang halalan sa Mayo. (Ulat ni Malou Rongalerios)

ATORNI JESUS SANTOS

DA KING

FERNANDO POE

FIRST GENTLEMAN MIKE ARROYO

GINOONG ARROYO

MALOU RONGALERIOS

NAGKAKAISANG PILIPINO

PANGULONG ARROYO

UNANG PAMILYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with