Bagong programa ng GSIS
April 29, 2004 | 12:00am
Inilunsad kamakailan ng Government Service Insurance System ang isang bagong programa na naglalayong bigyan ng panibagong pagkakataon ang mga miyembro ng GSIS na gawing aktibo ang kanilang mga accounts upang sila ay muling makinabang sa mga bagong loans o pautang na ini-alok ng ahensiya para sa mga miyembro.
Ang bagong programa na tinaguring "GSIS CARES" (Comprehensive Action thru restructuring and condonation of loans, Enhanced salary loan program and Summer-one month salary package) ay nagbibigay ng panibagong oportunidad sa mga GSIS members na baguhin ang kanilang mga salary loans upang otomatikong ma-update ang kanilang mga accounts sa pamamagitan ng bagong bersiyon ng regular salary program.
Sinabi ni GSIS president at general manager Winston Garcia, ang pangunahing nagsusulong ng "GSIS CARES" program, ay isa lamang sa maraming programa na kasalukuyang pinapatupad ng GSIS bilang tugon sa hamon ni Pangulong Arroyo na gawin itong tunay na isang institusyon na maaaring asahan ng mga miyembro sa lahat ng oras ng pangangailangan. (Ulat ni Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 21, 2025 - 12:00am