Ito ang obserbasyon ng mga political analyst at insiders sa Alyansa ng Pag-asa kaugnay ng pagbabalik kahapon ni Roco buhat sa Amerika para ipagamot ang kanyang hinihinalang prostate cancer.
Dumating kahapon si Roco dakong alas-11 ng umaga kasama ang kanyang asawang si Sonia at anak na si Nina.
Samantala, isang kaanak ni yumaong senador Ninoy Aquino ang bumatikos kay Roco at tinawag siyang taksil at oportunista.
Ayon sa kaanak na humiling na huwag banggitin ang pangalan, si Roco ang unang nagtaksil kay Ninoy noong panahon ng diktador na si ex-president Marcos.
Sinabi ng impormante na kung may sumalubong mang yellow ribbon kay Roco gaya nang kay Ninoy, ang mga itoy peke at publicity stunt lang.
Ang pahayag ay matapos gamitin ni Roco ang alaala ni Ninoy na sasalubungin ito ng yellow ribbon sa pagbabalik mula sa Amerika.
Ayon sa impormante, bilang abogado ni Ninoy noong mga panahong iyon, naganap ang pagtraydor ni Roco kay Ninoy nang hindi nito siputin ang isang kritikal na hearing sa court martial at pabayaan si Ninoy na walang abugadong magdidipensa. Iyon daw ang isa sa mga dahilan na nagpahamak kay Ninoy.
Ayon naman sa Alyansa ng Pag-asa, wala nang babalikang alyansa si Roco.
"Sinayang lamang niya ang aming pagpapagod, ganyan iyang si Roco, wala talagang leadership at paninindigan," pahayag ng isang opisyal ng partido
"Hindi ba naniniwala siyang maganda ang mga programa niya sa DepEd noon pero nang ireklamo siya ng unyon ng DepEd dahil sa paggamit niya ng pondo ng departamento para magpagawa ng mamahaling mga posters niya di ba agad-agad siyang nag-resign?" dagdag pa niya. (Ulat ni Butch Quejada)