Sa halip, inatasan ni Pangulong Arroyo si Presidential Adviser on the Peace Process Teresita "Ging" Deles at ang government peace panel na nakikipagnegosasyon sa MILF na magharap ng mga ebidensiya sa panel ng MILF laban sa apat.
Ang direktiba ng Pangulo ay reaksiyon sa kahilingan ni MILF spokesman Eid Kabalu sa pagpapalaya sa apat na suspek na sina Sammy Abdul-gani, ang team leader ng grupo; Montasser Ismael, Datu Puti Ungka at Barodin Dalungan na naaresto nitong nakaraang Biyernes.
Sinabi ng Pangulo na bagaman ang pamahalaan ay patuloy na nagsusulong sa prosesong pangkapayapaan ay patuloy din naman ang kampanya laban sa terorismo.
"Both the government and the MILF leadership are committed in fighting terrorism and we must not allow a wedge to divide this common stand," anang Pangulo.
Samantala, dalawa sa nahuling apat ay umaming miyembro ng MILF na may direktang kaugnayan sa Jemaah Islamiyah terrorist network na nagpaplanong maghasik ng karahasan sa mga prominenteng lungsod sa Mindanao Region. Hindi tinukoy ng PNP kung sino sa apat ang umamin. (Ulat nina Lilia Tolentino at Joy Cantos)