Kasangga ni Gloria dumarami

Patuloy ang pagdami ng mga nagnanais na maging Kasangga ni Gloria matapos na maghayag ng kanilang suporta ang iba’t ibang sektor sa iba’t ibang lungsod. Sa isinagawang pagpupulong sa Sulu Hotel, buong suporta kay Pangulong Arroyo sa nalalapit na halalan ang ibinigay ng mga professional, vendors, negosyante, urban poor at grupo ng TODA sa iba’t ibang lungsod.

Ayon kay KG founder Teodoro Haresco, mas karapat-dapat si GMA na muling manungkulan sa susunod na anim na taon dahil ito lamang ang may sapat na karanasan upang mapaunlad ang bansa.

Iginiit ng mga ito na hindi na nila kaya pang magsimula muli ng mga proyekto kung ibang pangulo ang mailuluklok. (Ulat ni Doris Franche)

Show comments