^

Bansa

Mayoralty bet sa Rizal dinisqualify ng Comelec

-
Tuluyan nang diniskuwalipika ng Comelec ang isang babaeng kandidato sa pagka-alkalde sa Montalban, Rizal na pinaniniwalaang residente ng ibang lugar.

Sa promulgasyon nito, sinabi ng Comelec na ang kandidatong si Adelina "Deline" Rodriguez-Zaldarriaga ay hindi kuwalipikadong tumakbo sa pagka-alkalde dahil sa isang importanteng probisyon sa Local Government Code.

Sinabi ng Comelec na ang kandidatura ni Zaldarriaga ay taliwas sa Title II Chapter 1 Section 39 na nagsasabi na ang isang kandidatong lokal ay nararapat na residente ng hindi kukulangin ng isang taon kung saan ito nagnanais na mahalal bago pa man sumapit ang araw ng halalan.

Ang pagkakadiskuwalipika ni Zaldarriaga ay bunsod ng petisyong inihain noong Pebrero ni San Jose, Rodriguez bgy. chairman Roger Frias kung saan sinasabi nito na tunay na hindi residente si Zaldarriaga dahil hindi ito nakatira, hindi kailanman bumoto o nagparehistro man lamang bilang botante. Ito anya ay residente ng #4 Melbourne st. Merville Park, Parañaque city base sa inisyung katibayan ng Merville Park Homeowners Asso. Inc.

Ang running mate ni Zaldarriaga na si Melo Sta. Isabel ang siya umanong tatakbong mayor habang ang kandidatong konsehal na si Jonas Cruz ang kakandidatong vice mayor. (Ulat ni Ellen Fernando)

vuukle comment

COMELEC

ELLEN FERNANDO

JONAS CRUZ

LOCAL GOVERNMENT CODE

MELO STA

MERVILLE PARK

MERVILLE PARK HOMEOWNERS ASSO

ROGER FRIAS

SAN JOSE

ZALDARRIAGA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with