^

Bansa

Ate Vi ' di binigyan ng permit si Da King

-
CALAPAN CITY - Tinabla ni Lipa City Mayor Vilma Santos-Recto si KNP presidential candidate Fernando Poe, Jr. matapos hindi niya bigyan ng permit ang campaign rally nito sa city plaza ng Lipa, Batangas ngayong gabi.

Sinabi ni KNP gobernatorial candidate Charito Apacible, hindi binigyan ng permiso ni Mayor Santos-Recto ang rali ngayong gabi sa city plaza ng Lipa dahil gagamitin umano ito.

Ayon kay Apacible, mismong si Sen. Ralph Recto ang mahigpit ang pagtutol na bigyan ng permit ang rali lalo na kung papanik ng stage si FPJ para itaas ang kamay ni Ruben Umali na kalaban ni Vilma sa pagiging alkalde.

Sa phone interview ng PSN kay Apacible, kung siya lamang ay payag si Sen. Ralph Recto na bigyan ni Vilma ng permit ang rali pero kung itataas ni FPJ ang kamay ni Umali ay di sila magbibigay ng permiso.

Dahil dito, napilitan ang KNP na gamitin ang private lot na pag-aari ni Tony Leviste sa highway ng Lipa para pagdausan ng rali ngayong gabi.

Ikinatwiran ni Mayor Vilma na gagamitin sa ibang okasyon ang plaza. (Ulat ni Rudy Andal)

APACIBLE

CHARITO APACIBLE

FERNANDO POE

LIPA CITY MAYOR VILMA SANTOS-RECTO

MAYOR SANTOS-RECTO

MAYOR VILMA

RALPH RECTO

RUBEN UMALI

RUDY ANDAL

TONY LEVISTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with