^

Bansa

Robot 'di pasok na witness

-
Tuluyan nang diniskuwalipika ng Department of Justice (DOJ) si Abu Sayyaf leader Ghalib Andang alyas Kumander Robot upang maging state witness.

Sinabi ni DOJ chief state prosecutor at Witness Protection Program chief Jovencito Zuno na dahil sa bigat ng partisipasyon ni Robot kaya dinisqualify ito ng pamahalaan upag maging testigo.

Sinabi ni Zuno na malinaw ang nakasaad sa rules of court na ang mga maaari lamang tumayong testigo na akusado ay iyong may pinakamahinang kinalaman sa isang krimen.

Bukod dito, isang capital offense o krimen na may katapat na parusang kamatayan ang nagawa ni Robot kaya wala itong puwang sa DOJ para papasukin sa WPP bilang isang saksi.

Alinsunod sa itinatadhana ng Revised Penal Code may parusang kamatayan ang mga kasong murder, kidnapping at serious illegal detention na mga kinasasangkutan naman ni Robot. (Ulat ni Gemma Amargo)

ABU SAYYAF

ALINSUNOD

BUKOD

DEPARTMENT OF JUSTICE

GEMMA AMARGO

GHALIB ANDANG

JOVENCITO ZUNO

KUMANDER ROBOT

REVISED PENAL CODE

SINABI

WITNESS PROTECTION PROGRAM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with