^

Bansa

Kalasan kay FPJ tumindi

-
Patuloy na nalalagasan ng supporters si KNP presidential bet Fernando Poe, Jr. matapos muling masilat ang pakikipagpulong niya sa isa pang presidentiable na si Panfilo Lacson sa layuning pagkaisahin ang watak na oposisyon.

Ayon sa mga dating pro-FPJ groups mula sa iba’t ibang probinsiya, malabo na ang tsansa ng oposisyon na pataubin si Presidente Arroyo sa darating na presidential elections dahil sa kawalang pagkakaisa ng oposisyon.

Maging si dating Presidente Estrada ay nagbabala kay FPJ at Lacson na tanging ang isang ‘unified ticket’ lamang ng oposisyon ang makakatalo sa administrasyon.

Kaugnay nito, dumagsa ang malalaking grupo na nagsibaklasan na sa kampo ni FPJ.

Animo’y eksena sa rebolusyon noong panahon ng Kastila na pinagpupunit ng mga lider at miyembro ng FPJPM Laguna Chapter ang kani-kanilang mga FPJPM ID cards bilang hudyat ng kanilang pagbaklas kay Da King.

Ayon naman sa isang grupo ng mga Muslim na dating taga-suporta ng KNP, maliban sa pagbagsak ni FPJ sa pinakahuling resulta ng Pulse Asia survey, nag-alisan din sila sa KNP sa kadahilanang hanggang ngayon ay walang maiprisintang platform of government si FPJ.

Ayon kay Allan Dimaporo, isa sa mga lider ng Muslim group, "hindi natin kailangan ng isang aktor sa Malacañang, dapat totoong lider at hindi pampelikula."

Una nang kumalas na ang United Sectoral Movement (USM) na dating taga-suporta ni FPJ. Ang USM ay binubuo ng 83 organisasyon at may ipinagyayabang na 3.2 milyon na miyembro sa buong bansa.

Sa Davao City, sinabi naman ni Josefina Sanchez, senior organizer ng Freedom, Peace and Justice Movement o FPJM, na may 60 lider at coordinators nito ang kumalas na sa KNP, dahil hindi nila makausap si FPJ at ang mga lider naman ng KNP ay pinababayaan sila. (Ulat ni Rudy Andal)

ALLAN DIMAPORO

AYON

DA KING

FERNANDO POE

FPJ

JOSEFINA SANCHEZ

LAGUNA CHAPTER

PANFILO LACSON

PEACE AND JUSTICE MOVEMENT

PRESIDENTE ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with