Chinese hati kina GMA, FPJ at Ping
April 20, 2004 | 12:00am
Hati at walang solidong boto ang Chinese community sa bansa kaugnay ng nalalapit na halalan sa Mayo 10, ayon kay Dr. James Dy ng Federation of Filipino-Chinese Chamber of Commerce and Industry.
Sinabi ni Dy sa isang panayam na mayroong paksiyon ng Chinese community na sumusuporta kay Pangulong Arroyo, mayroon ding paksiyon na maka-Fernando Poe, Jr. at mayroong ding maka-Ping Lacson.
"There is no such thing as solid vote," ani Dy.
Tumangging maghayag si Dy kung saang kampo sumusuporta ang kanilang pederasyon, pero mayroong mga ulat na nagsasabing suportado nila si Pangulong Arroyo.
Si Dy ay siyang naghandog ng isang salu-salo para sa media sa okasyon ng pagdiriwang ng ika-59 birthday ni Presidential Spokesman Ignacio Bunye sa Emperor Villa sa Binondo, Maynila. (Ulat ni Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Gemma Garcia | 9 hours ago
By Doris Franche-Borja | 9 hours ago
By Ludy Bermudo | 9 hours ago
Recommended