Si Lacson ang dapat umatras - KNP
April 20, 2004 | 12:00am
Ayaw ng dalawang senatorial candidate ng KNP na si Fernando Poe, Jr. pa ang magbibigay-daan kay Senador Panfilo Lacson para magkaroon ng isang presidential candidate ang oposisyon sa darating na halalan.
Ayon kina Senador Aquilino Pimentel, Jr. at dating senador Francisco Tatad, kung mayroon mang dapat umatras sa presidential elections ay walang iba kundi si Lacson.
Ipinaliwanag ni Pimentel na kung aatras si Ping sa presidential elections, walang mawawala sa kanya dahil makakabalik pa naman ito sa Senado upang tapusin ang nalalabing tatlong taong termino.
Bukod dito, isang senatorial candidate lang umano ang bitbit ni Lacson, kumpara kay FPJ na may vice presidential candidate at 12 senatorial bets.
Hindi rin umano puwedeng kuning running mate ni FPJ si Lacson dahil maiitsapuwera naman si Senador Loren Legarda.
Kumpiyansa naman si Tatad na hindi aatras sa laban si FPJ dahil nasa kanya ang lahat ng bentahe, mula sa pagiging angat nito sa survey hanggang sa suporta ng grassroot level nito.
"May lawin bang nag-i-slide down?" pag-uusisa ng KNP senatorial bet. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
16 hours ago
Recommended