Itoy matapos na lumipat ang mayorya ng opisyal at miyembro ng Peoples Movement Against Poverty (PMAP) sa bagong tatag na Make It Strong Movement (MISM) na sumusuporta kay Arroyo.
Bagamat 23 araw na lamang ang natitira bago mag-eleksiyon, nagpakita din ng suporta kay Arroyo ang Kalipunan at Sandigan ng mga Pilipino (KASAPI) tulad ng MISM.
Lumilitaw na ang PMAP at KASAPI ay mga grupong unang sumuporta kina dating President Estrada, Fernando Poe, Jr. at Sen. Panfilo Lacson.
Sinabi ni Jojo Ablog ng KASAPI, napilitan silang lumipat sa administrasyon dahil sa nangyayaring gulo sa grupo ng oposisyon.
Bukod dito, sinabi ng KASAPI na may maliwanag na plataporma si Arroyo kumpara sa mga kalaban nito sa nalalapit na halalan.
Umaabot naman sa 500,000 ang miyembro at kaalyado ng MISM. (Lilia Tolentino)