^

Bansa

Napurnadang pagtatayo ng tulay sa N. Ecija isinisi sa kongresista

-
Inakusahan ni Nueva Ecija Gov. Tomas Joson III si 4th District Rep. Raul Villareal na sinasadyang pigilan ang mga proyektong pangkaunlaran.

Sinabi ni Joson na ang pagtatayo ng tulay sa bayan ng Cabiao, Nueva Ecija ay naaantala dahil lamang sa "reckless politicking" na ginagawa umano ni Villareal.

Ang 144-linear meter na tulay na sinimulang itayo noong 1991 ay hindi pa rin natatapos at hindi alam kung makukumpleto ngayong taon dahil sa kagagawan ng naturang kongresista, ayon pa kay Joson.

"Panahon pa ni Cory, Ramos, Erap at ngayon ni Gloria pero di pa rin matapos-tapos yang tulay na ‘yan," ani Joson sa mga taong dumalo sa paglulunsad ng tulay na hindi pa natatapos.

Ang tulay ay isang mahalagang ugnay sa agrarian reform community barangays ng Bagong Sikat at Sta. Isabel. Ito ay isang pet project ni Mayor Gloria Congco at ng pamahalaang panlalawigan

Sinisi ni Joson si Villareal dahil sa nangyaring suspensiyon ng bidding sa proyekto. (Malou Rongalerios)

BAGONG SIKAT

CABIAO

DISTRICT REP

JOSON

MALOU RONGALERIOS

MAYOR GLORIA CONGCO

NUEVA ECIJA

NUEVA ECIJA GOV

RAUL VILLAREAL

TOMAS JOSON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with