'KNP, Koalisyong ng Nagkakalasang Pilipino'
April 17, 2004 | 12:00am
Binigyan ng bagong katawagan ni Surigao del Sur Rep. Prospero Pichay Jr. ang oposisyong Koalisyon ng Nagkakaisang Pilipino (KNP) bilang Koalisyon ng Nagkakalasang Pilipino dahil sa dumaraming bilang ng mga tagasuporta nito na kumalas at lumipat sa ibang kampo.
Ayon kay Rep. Pichay, chairman ng House committee on national defense, ang paglipat sa ibang kampo ng mga taga-gawa ng balita ng KNP ay patunay lamang na walang kakayahan ang standard bearer nitong si Fernando Poe, Jr. na mapagkaisa ang taumbayan dahil mismong partido pa lamang niya ay hindi na niya kayang pamunuan.
Bukod sa nagbitiw na mga miyembro ng media bureau staff, tumalon na rin ng kampo ang mga tagasuporta ng KNP mula sa lalawigan ng Laguna sa kampo ni Pangulong Arroyo.
Ayon pa kay Pichay, hindi tamang sabihin ng KNP na ang pag-alis ng mga tauhan nito sa media bureau ay dahilan sa paghahanap ng mas magandang pagkakakitaan.
"Kung ito ang tunay na dahilan, ibig sabihin maliit lang ang ibinibigay nilang suweldo sa kanilang mga tauhan, samantalang milyon-milyon ang ginagastos nila sa mga pahayagan, radyo at telebisyon para siraan lamang si Ginang Arroyo," sabi ni Pichay.
Aniya, kilala niya ng personal ang nasa media bureau ng KNP at hindi pera ang pangunahing layunin kung bakit ito pumalaot sa pulitika.
"Nakakagulat na ang mismong gumagawa ng mga pampapoging balita kay FPJ ay nilayasan siya, malinaw na hindi na nila masikmura ang mga panlilinlang na ibinibigay nila sa taumbayan para pagandahin ang imahe ni FPJ," paniniwala pa ni Pichay.
Sinabi rin nito na ang lumalalang alitan sa loob ng KNP at sa kampo ni Sen. Panfilo Lacson ay isang palatandaan na wala talagang kakayahan si FPJ na maging isang unifying president. (Ulat ni Malou Rongalerios)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended