GMA hugas-kamay kay Bro. Eddie
April 17, 2004 | 12:00am
Itinanggi ng Malacañang na mayroong kinalaman si Pangulong Arroyo o sinuman sa mga opisyal ng Palasyo para wasakin ang kandidatura ni Bro. Eddie Villanueva ng partido Bangon Pilipinas.
Ayon kay Presidential Campaign spokesman Mike Defensor, nirerespeto nila si Bro. Eddie at walang basehan ang bintang na may kinalaman ang Malacañang sa pagbuhay ng P100 milyong television deal nito.
"Inuulit namin, malaki ang respeto namin kay Bro. Eddie. Wala kaming ganoong pamamaraan sa pulitika at inaasahan namin na magkakasama-sama pa rin sila pagkatapos ng eleksiyon" ani Defensor.
Sinabi rin ni Defensor na sakaling umatras na talaga sa kandidatura si dating EducatIon Secretary Raul Roco, ang kanyang mga tagasuporta at kasamahan sa partido ay inaasahan nilang sasama kay Pangulong Arroyo.
"Sa palagay namin, karamihan sa mga kasama ni Roco ay pupunta kay Pangulong Arroyo sa bandang huli sa maraming rason. Una, nakikita nila na si Pangulong Arroyo ang maaaring makatalo kay Fernando Poe, Jr.; pangalawa, nagkasama sina Pangulo at Roco sa pagbabago at reporma at sa palagay ko, kinikilala pa rin naman ito ng kanyang mga kasamahan," sabi ni Defensor.
Inihayag pa ni Defensor na ngayong nangunguna na ang Pangulo sa presidential poll survey, mahirap nang malamangan pa siya uli ni FPJ kahit pa sabihing puspusang magtatrabaho ito para mapaganda ang imahe. (Ulat ni Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest