PR group inupahan para siraan si GMA sa US - Barbers
April 16, 2004 | 12:00am
Nagpahiwatig kahapon si reelectionist Senator Robert Barbers na may ilang sector na galit sa pangasiwaang Arroyo ang maaaring umupa ng isang international PR group para siraan ang imahe ng bansa na hindi nito kayang labanan at hadlangan ang terorismo.
Tinukoy ni Barbers ang mga naglabasang ulat sa mga pahayagang Washington Post at New York Times na nagsasaad na ang Pilipinas umano ay "unreliable ally" sa anti-terror campaign.
Ikinalungkot ni Barbers, may akda ng anti-terror bill sa Senado, na binuhay muli ng Washington Post ang isyu sa insidente ng Lamitan, Basilan, ang pagtakas ni Fathur Rohman al-Ghozi na pawang nalutas na ng pamahalaang Arroyo, gayong hindi naman binanggit sa editorial ang pagkakapaslang kay al-Ghozi, pagkakaaresto kay Kumander Robot, pagkakapatay kay Abu Sabaya at pagkakahuli kay Kumander Kosovo na utak sa pagpugot kay American Guillermo Sobero.
"It seems that these criticisms of several US papers indicates that there is a lobby group in the states out to destroy the image of the Arroyo administration. We were never victims of "horrible proportions" like the bombing in Bali, Indonesia or the train bombing in Madrid, Spain where several Westerners died. Why single out the Philippines?" sabi ni Barbers. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended