Enrile humingi ng tawad sa 'pagtraydor' kay Marcos
April 15, 2004 | 12:00am
LAOAG CITY, Ilocos Norte - Pinagsisisihan ni KNP senatorial candidate Juan Ponce Enrile ang naging papel niya sa EDSA People Power I Revolution na nagpatalsik sa liderato ni yumaong Pangulong Ferdinand Marcos noong 1986.
Sa pagtatalumpati sa grand rally ng KNP kamakalawa ng gabi, humingi rin ng paumanhin si Enrile sa mga kababayan nitong Ilocano sa nagawa niyang pagtalikod sa kanilang Apo Ferdie.
Nagpasalamat naman ang magkapatid na Ilocos Norte Gov. Bongbong Marcos at Rep. Imee Marcos sa ginawang paghingi ng tawad ni Enrile sa kanilang mga kababayan dahil sa naging papel nito sa EDSA I.
Sinabi ng magkapatid na noon pa humingi na ng tawad si Enrile sa kanila at maging sa kanilang ina na si dating First Lady Imelda Marcos. Wika pa ng mga Marcoses, matagal na nilang pinatawad ito matapos nilang makitang nagsisisi ito.
Nangako naman si Mrs. Marcos na sakaling kapusin ng pondo at manpower ang KNP ay nakahanda silang tumulong kay FPJ. Inindorso ni Mrs. Marcos si FPJ at buong tiket ng KNP sa ginawang grand rally.
Umaasa ang dating Unang Ginang na kapag nanalo si FPJ ay mabibigyan na ito ng state burial at maayos na maililibing sa Libingan ng mga Bayani ang dating pangulo. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest