Sa isang command conference, punumpuno ng determinasyon na ipinangako ni Ebdane na sa lalong madaling panahon ay mahuhuli si Janjalani.
Inatasan ni Ebdane ang lahat ng PNP regional directors at mga hepe ng National Support Units na nakatalaga sa Mindanao na pag-ibayuhin pa ang pagtugis laban kay Janjalani na nagpalipat-lipat ng taguan sa bulubunduking bahagi ng Central Mindanao
Si Janjalani ay may patong sa ulong $1 milyon na inilaan ng Estados Unidos habang itinaas naman ni Pangulong Arroyo sa P20 milyon and reward para sa sinumang makapagtuturo o makapagbibigay ng impormasyon sa ikadarakip nito.
Ayon kay Ebdane, susunod ng mabibitag si Janjalani matapos na madakip ng pulisya kamakalawa si ASG sub-commander Isni Ruddin Lagayasan alyas Otoh Hapikin sa Lamitan, Basilan.
Si Lagayasan ay may patong sa ulong P1 milyong reward kaugnay ng pagkakasangkot sa pagdukot sa 52 guro at mga estudyante noong Marso 2000 sa Tumahubong, Basilan.
Samantalang nitong nakalipas na Huwebes Santo ay napaslang naman ng militar sa isang encounter si ASG Commander Hamsiraji Salih, isa sa mga top leaders ng bandidong grupo na may patong sa ulo na P5-M.
Magugunita na si Janjalani kasama ang may 70 armado nitong tauhan ay tumakas sa Sulu noong Hulyo 2003. (Ulat ni Joy Cantos)