Inihayag din ng chairman ng House Committee on National Nefense na nakipagkita ang oposisyon kay dating Pangulong Joseph Estrada noong nakaraang Martes upang humingi ng pondo sa pinatalsik na pangulo matapos na mabigo ang KNP na makakuha ng tulong pinansiyal mula sa mga negosyante.
Aniya, bagamat niluluto pa rin ng mga alipores ni Estrada ang Poe-Lacson tandem, seryoso na ang huli na ituloy ang kanyang pangarap na makaupo sa Malacañang dahil nakikita nito na hindi kayang talunin ng aktor ang lumalakas na kandidatura ni Pangulong Arroyo. Kabilang umano sa mga nagpunta kay Estrada sa kulungan nito sa Camp Capinpin sa Tanay, Rizal ay sina: Senador Edgardo Angara, dating Caloocan Rep. Baby Asistio, dating Agrarin Reform Secretary Horacio "Boy" Morales at ang negosyanteng si Carmelo Santiago.
"Ang pakay nila ay mamalimos kay Erap, anumang plano nila para sa kanilang manok ay walang saysay kung walang pera, kaya desperado na silang mamalimos kay Erap," pahayag pa ni Pichay. (ULat ni Malou Rongalerios)