^

Bansa

Oposisyon humingi na ng tulong kay Erap

-
Tapos na ang anumang balakin na mag-kaisa sa iisang partido sina presidential aspirant Fernando Poe, Jr. at Panfilo Lacson matapos na tuluyang isara ng dating hepe ng PNP ang pintuan ng pakikipag-usap dahil sa magulo at kapos sa pondo ang oposisyong Koalisyon ng Nagkakaisang Pilipino (KNP), ito ang ibinulgar kahapon ni Surigao del Sur Rep. Prospero Pichay.

Inihayag din ng chairman ng House Committee on National Nefense na nakipagkita ang oposisyon kay dating Pangulong Joseph Estrada noong nakaraang Martes upang humingi ng pondo sa pinatalsik na pangulo matapos na mabigo ang KNP na makakuha ng tulong pinansiyal mula sa mga negosyante.

Aniya, bagamat niluluto pa rin ng mga alipores ni Estrada ang Poe-Lacson tandem, seryoso na ang huli na ituloy ang kanyang pangarap na makaupo sa Malacañang dahil nakikita nito na hindi kayang talunin ng aktor ang lumalakas na kandidatura ni Pangulong Arroyo. Kabilang umano sa mga nagpunta kay Estrada sa kulungan nito sa Camp Capinpin sa Tanay, Rizal ay sina: Senador Edgardo Angara, dating Caloocan Rep. Baby Asistio, dating Agrarin Reform Secretary Horacio "Boy" Morales at ang negosyanteng si Carmelo Santiago.

"Ang pakay nila ay mamalimos kay Erap, anumang plano nila para sa kanilang manok ay walang saysay kung walang pera, kaya desperado na silang mamalimos kay Erap," pahayag pa ni Pichay. (ULat ni Malou Rongalerios)

AGRARIN REFORM SECRETARY HORACIO

BABY ASISTIO

CALOOCAN REP

CAMP CAPINPIN

CARMELO SANTIAGO

ERAP

FERNANDO POE

HOUSE COMMITTEE

MALOU RONGALERIOS

NAGKAKAISANG PILIPINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with