^

Bansa

Solon nangmaltrato ng tabloid fotog

-
Binatikos ng media ang ginawa umanong pagmaltrato ni Nueva Ecija Congressman Raul Villareal sa isang tabloid photographer na hindi na nagpabanggit ng pangalan, na ayon sa ilang nakasaksing mediamen ay wala sa kalingkingan ng sinapit ni GMA-7 reporter Sandra Aguinaldo sa kamay ni presidential aspirant Fernando Poe, Jr.

Naganap mismo ang insidente sa loob ng Kamara kamakailan. Napag-alaman na hindi umano nagustuhan ni Cong. Villareal nang kunan siya ng larawan ng naturang tabloid fotog kaya nagsisigaw ito at sinabihan ang huli ng "Bakit mo ako kinukunan ng litrato, ipapa-ambush mo ba ako?" na ikinagulat hindi lamang ng mga nakasaksing mediamen kundi pati ng ibang kongresista.

Hindi pa umano nakuntento si Villareal, inutos nito sa mga security personnel ng Kamara na agawin ang camera at sirain ang film bago ipinakaladkad nito sa mga security personnel palabas ng committee room ang photographer para isailalim sa interogasyon sa barracks.

Sa naturang pangyayari, naging bingi umano si Villareal sa pagdepensa ng ibang taga-media na nakasaksi sa pangyayari.

Matapos ang naturang insidente, walang naging paliwanag o paghingi ng paumanhin si Villareal sa nagawa niyang maling pagtrato sa fotog.

Si Villareal ay nag-aambisyong maihalal muli ng kanyang mga ka-distrito sa Nueva Ecija. (Ulat ni Malou Rongalerios)

BAKIT

BINATIKOS

FERNANDO POE

KAMARA

MALOU RONGALERIOS

MATAPOS

NUEVA ECIJA

NUEVA ECIJA CONGRESSMAN RAUL VILLAREAL

SANDRA AGUINALDO

SI VILLAREAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with