PGMA at Yaya nagkita

Makabagbag-damdamin ang naging pagkikitang muli nina Pangulong Arroyo at kaniyang dating yayang si Caway Alawas sa isang proclamation rally na ginanap kahapon sa Bontoc, Mountain Province.

Lumuluhang niyakap ni Alawas, mahigit 70-anyos na, ang Presidente na noo’y 4-anyos pa lamang ng kaniyang alagaan sa Iligan City.

Maging si Pangulong Arroyo ay halos maiyak rin sa tuwa nang makita ang dating yaya na ngayon ay mayroon ng karamdaman.

Si Yaya Alawas ay taga-Bunya Patduyan, Mountain Province at ng malaman nitong magtutungo sa Bontoc ang Presidente ay nagpasama siya sa isang lokal na opisyal para makita ang dati niyang alaga sa loob ng 40 taon.

Nabatid na ang yumaong dating Pangulong Diosdado Macapagal ang personal na kumuha kay Alawas para siyang mag-alaga sa kaniyang anak nang manirahan ito sa Iligan City kasama ang kaniyang tiyahin. (Ulat ni Lilia Tolentino)

Show comments