53 pumuga,8 todas
April 11, 2004 | 12:00am
Walo ang napatay, siyam ang nasugatan kabilang ang tatlong jailguards makaraang tumakas ang tinatayang may 53 preso na karamihan ay mga miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa naganap na madugong Black Saturday jailbreak sa Basilan Provincial Rehabilitation Center sa Isabela City, Basilan kahapon ng umaga.
Sa report na nakarating kahapon kay Philippine National Police (PNP) Chief P/Director Gen. Hermogenes Ebdane, Jr., naganap ang pagpuga sa nasabing piitan na matatagpuan sa Brgy. Sumagdang, Isabela City dakong alas-11 ng umaga.
Gayunman, ayon kay Chris Puno, Public Information officer ng Basilan provincial government, tatlo pa lamang sa mga nasawing preso ang nakilala na sina Boy Flores, Siddir Ahmad at Mammud Indama. Lima sa napatay ay Abu Sayyaf.
Dalawa naman sa tatlong nasugatang jailguards ay nakilala lamang sa mga apelyidong Tulama at Hassan.
Ayon kay Basilan Provincial Police Office (PPO) Chief P/ Chief Supt. Servando Hizon, nagawang makaeskapo ng mga bilanggo na kinabibilangan ng mahigit 20 ASG at ilan pang mga kilabot na kriminal matapos na samantalahin ng mga ito ang pagrarasyon ng pagkain at agawan ng armas ang mga bantay.
Lumilitaw sa pangunang imbestigasyon na isang dalaw ang nagpuslit umano ng isang kalibre .45 baril sa isa sa mga presong kasapi ng ASG na siya namang ginamit sa pagbaril sa jailguard hanggang sa magkaroon ng rambulan at tumulong na rin ang iba pang inmates sa pagkuyog sa kanilang mga bantay.
Nabatid na isang alyas Abu Black ng ASG ang nanguna sa pumugang mga preso kung saan apat na matataas na kalibre ng armas na kinabibilangan ng M-203 grenade launcher at M16 rifles ang nagawa ng mga itong matangay sa kanilang pagtakas.
Bunga nito ay nagkaroon ng putukan sa pagitan ng nasabing mga jailguards at nang tumatakas na mga preso.
Naghiwa-hiwalay ng direksiyon ang mga preso at huling namataan sa Mangrove area sa Brgy. Kumalarang ng Isabela City kung saan muling nakipagpalitan ng putok sa tumutugis na pinagsanib na puwersa ng pulisya at mga elemento ng 1st Scout Ranger Battalion na nakapatay sa grupo ni ASG Commander Hamsiraji Salih noong nakaraang Huwebes.
Pinaniniwalaan rin ayon pa sa mga opisyal na matagal ng plinano ng grupo ni Black ang pagpuga sa nasabing piitan.
Sa isinagawang hot pursuit operations ay walo na sa mga pugante ang nadakip habang mahigit pa sa 30 ang pinaghahanap.
Kaugnay nito, ipinag-utos na ni Gen. Ebdane na kunin buhay man o patay ang mga pugante bunga na rin ng pagiging mapanganib ng mga ito.
Nangako rin si Ebdane na tutulong ang pulisya sa pagsasagawa ng imbestigasyon sa nangyaring jailbreak.
Ang ASG na sangkot sa mga kasong murder at serye ng kidnap-for-ransom ay sinasabing may ugnayan sa mga dayuhang teroristang Jemaah Islamiyah (JI). (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest