^

Bansa

Kabayan nagsampa ng libel vs 2 accusers

-
Pormal na nagsampa kahapon ng kasong libelo sa Pasay City Prosecutors Office si K4 vice presidentiable Senator Noli "Kabayan" de Castro laban sa dalawang negosyante dahil sa malisyosong artikulo na lumabas sa mga pahayagan kamakailan hinggil sa umano’y pangongotong ng una noong nagho-host ito sa kanyang programang Magandang Gabi Bayan sa ABS-CBN.

Sa 12-pahinang sinumpaang complaint affidavit na isinampa ni de Castro, kinilala ang mga inireklamong sina Rafael Engle, residente ng #5318 18th Ave., Murphy, Quezon City at Andrew Gonzales, national director ng Bagong Lahing Pilipino Development Foundation Inc., at residente ng Legaspi Village, Makati city.

Si Engle ay sinampahan ng 2 counts of libel, samantala 1 count kay Gonzales. Pinagbabayad din ang dalawa ng tig-P200 milyon bilang moral damages.

Sa reklamo ni de Castro, naging malisyoso umano ang mga pahayag nina Engle at Gonzales na kinokotongan umano sila ng naturang senador gamit ang programa nitong MGB.

Nilinaw ni Kabayan na naging balanse ang report ng MGB episode noong Set. 30, 1995 at mariing itinanggi din ang akusasyon na nangikil ng pera ang kanyang mga staff.

Sinabi pa ni de Castro, pinili niya ang paghahain ng kasong libelo laban kina Engle at Gonzales sa Mahal na Araw upang magsilbi itong araw para "magtika at magsisi" ang mga ito sa kanilang kasalanan. (Ulat nina Lordeth Bonilla/Rudy Andal)

vuukle comment

ANDREW GONZALES

BAGONG LAHING PILIPINO DEVELOPMENT FOUNDATION INC

GONZALES

KABAYAN

LEGASPI VILLAGE

LORDETH BONILLA

MAGANDANG GABI BAYAN

PASAY CITY PROSECUTORS OFFICE

QUEZON CITY

RAFAEL ENGLE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with