Maaarestong Abu, bigyan ng patas na proteksyon- Barbers
April 5, 2004 | 12:00am
Nanawagan kahapon si re-electionist Senator Robert "Bobby" Barbers sa pamahalaan na tiyakin na ang pag-aresto sa mga pinaghihinalaang miyembro ng grupong Abu Sayyaf ay mabibigyan ng kaukulang proteksyon sa ilalim ng batas.
Sinabi ni Barbers, tagapangulo ng Senate committee on public order and illegal drugs na kailangan ng tiyakin ang pamayanang Muslim na ang serye ng mga pag-aresto sa mga sinasabing Muslim brothers na umanoy may ugnayan sa Al Qaeda terrorist ay hindi ginagamit na "sacrificial lambs" sa idineklarang giyera ng bansa laban sa terorismo.
Nanawagan ang dating kalihim ng DILG sa mga lider ng Muslim at Ulamas na gamitin ang kanilang impluwensya para hikayatin ang pamayanang Muslim na maging kalmado at siguruhing ang isyu ay hindi magagamit bilang isyung pulitikal ng ilang sektor.
Idinagdag ni Barbers, may akda ng anti-terror bill na nakatitiyak siyang ang pamayanang Muslim ay kontra sa terorismo na siya ngayong posibleng kinauugnayan ng grupong Abu Sayyaf kasabay ng panawagan sa mga awtoridad na pabilisan ang imbestigasyon ng mga pinaghihinalaang miyembro ng nasabing grupo at pakawalan kaagad sakaling walang sapat na ebidensya. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended