Ayon kay Bulacan Rep. Wilfrido Villarama, hindi nararapat sa isang nag-aambisyong maging pangulo ng bansa na singhalan at magalit sa mga mamamahayag na ang tanging layunin lamang ay makakuha ng totoong balita.
Ayon sa vice chairman ng House committee on trade and industry, ang malasadong relasyon ni FPJ sa media ay isang patunay na nanganganib ang pagsasapraktis ng malayang pamamahayag sa ilalim ng liderato nito.
Lumalabas na rin anya ang tunay at masamang ugali ni FPJ kaugnay sa ginawang pambabastos sa reporter ng GMA 7 na si Sandra Aguinaldo.
Naniniwala naman si Davao Rep. Prospero Nograles, chairman ng House committee on housing and urban development na ang pagiging barumbado ni FPJ ay isang patunay na hindi talaga ito angkop para maging pangulo ng bansa.
"Pagiging pasensiyoso at maginoo ang dalawa sa mga pag-uugali na dapat meron ang isang kandidato, nakakalungkot at wala nito ang kandidato ng oposisyon," ani Nograles. (Ulat ni Malou Rongalerios)