GMA pinakakasuhan ng plunder ni Tatad
April 2, 2004 | 12:00am
ILOILO CITY - Iginiit kahapon ni KNP senatorial candidate Francisco "Kit" Tatad na dapat kasuhan ng plunder si Pangulong Arroyo dahil sa panibagong sweetheart deal na pinasok nito kung saan ay malayang makakapagbulsa ang Benpress Company na pag-aari ng Lopez family ng P432 bilyon sa loob ng 30 taon sa pamamahala ng 81-kilometer na North Expressway.
Sinabi ni Tatad sa Manila-based reporters, matalo man o manalo si Pangulong Arroyo sa darating na May 10 elections ay dapat papanagutin siya sa naturang kasunduan na pinasok nito sa subsidiary ng Benpress na First Philippine Infrastructure Development Corp. (FPIDC) para sa rehabilitasyon ng 81-km expressway project.
Wika pa ni Tatad, ang FPDIC ay kikita umano sa loob ng 30 taon ng P432 bilyon gayung wala namang puhunan kahit singko ang mga ito sa nasabing kontrata kundi ginawa lamang puhunan upang makautang sa mga foreign lenders ang kanilang Tipo-Subic tollway kung saan ay pinalitaw na P600 milyon ang original na investment nito. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am