Kandidatura ni Gil burado na sa Comelec
April 2, 2004 | 12:00am
Pinal nang hindi makakatakbo pa sa pagkapangulo at idineklarang "nuisance candidate" ng Commission on Elections (Comelec) si presidential aspirant Eddie Gil ng partido Isang Bansa, Isang Diwa party.
Ito ay matapos desisyunan kahapon ng Comelec en banc na pinal nang tanggalin sa listahan ng mga presidential candidates ang pangalan ni Gil.
Ang resolusyon ng Comelec en banc ay sagot sa apela ni Gil makaraang idiskuwalipika ang kanyang kandidatura ng Comelec Second Division noong Marso 16 base na rin sa naging petisyon ng kampo ni Bro. Eddie Villanueva ng Bangon Pilipinas laban kay Gil.
Si Gil ay nagsumite ng kanyang motion for reconsideration limang araw matapos ang naturang desisyon ng Second Division na pinamumunuan ni Commissioner Mehol Sadain at mga miyembrong sina Commissioners Manuel Barcelona at Florentino Tuason.
Ibinase ng Comelec en banc ang naging unang desisyon ng Second Division hinggil sa kawalan ni Gil ng makinarya upang mangampanya at kawalan ng interes nito sa kanyang kandidatura.
Pinagdudahan rin ng Comelec kung nasa katinuan ng pag-iisip si Gil dahil sa magkakaibang impormasyon na idineklara nito sa kanyang certificate of candidacy (COC) na ikinumpara ng komisyon sa COC na isinumite niya ng kumandidato ito noong nakaraang eleksiyon.
Hindi rin naging maganda ang rekord ni Gil matapos na hindi nito mabayaran ang kanyang campaign sortie at pagbabayad ng talbog na tseke na P35,000 hotel bills nang mangampanya ito sa General Santos City kamakailan.
Takda namang iakyat ni Gil ang kanyang mosyon o apela sa Supreme Court. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am