Tiniyak ito ni Pangulong Arroyo sa kanyang talumpati kahapon sa seremonya ng pagtatapos ng mga batang mag-aaral sa Novaliches High School sa Quezon City.
Ang Education for All Program ay bahagi ng kanyang Student Assistance Fund for Education for a Strong Republic.
Sa ilalim ng programang ito, 150,000 mag-aaral sa kolehiyo na nasa pangatlo at pang-apat na taon ng kurso ang natulungan ng gobyerno sa pamamagitan ng pautang na walang pataw na interest.
Inatasan ng Pangulo ang Commission on Higher Education na bumalangkas ng mga alituntunin para sa scholarship programs sa bawat pinakamahirap na pamilya ng bansa.
"I will make the proper announcement on this, this Easter Sunday," anang Pangulo.
Ganito ring pangako ang ginawa ni Pangulong Arroyo sa kanyang pagdalo sa graduation ng mga mag-aaral sa Pasay East High School sa Cuneta Astrodome sa Pasay City. (Ulat ni Lilia Tolentino)