^

Bansa

Disqualification pa vs GMA isinampa sa Comelec

-
Isa na namang disqualification case ang inihain kahapon ng grupo ng mga abogado na pro-Constitution laban kay Pangulong Arroyo dahil sa pre-mature campaigning.

Pinamunuan ni Atty. Demaree Raval ng pro-Con ang pagsasampa ng disqualification case laban sa Pangulo sa Comelec.

Ayon kay Raval, nagsimula ang mga political ads o commercials ng Pangulo sa telebisyon noong Enero 5 hanggang Pebrero 9 subalit itinakda ng Comelec ang pagpapalabas ng political ads ng kandidatong pang-nasyunal na magsisimula noong Pebrero 10.

Una na ring nagsampa ang pro-Con ng kasong disqualificafion laban kay Pangulong Arroyo dahil sa paglabag umano sa Fair Election Act matapos na lumagpas umano ito sa air time ng kanyang political ads sa TV na dapat ay 160 minuto lamang.

Hiniling din ng mga pro-Con lawyers sa Comelec na idiskuwalipika ang Pangulo dahil sa umano’y walang pakundangang paggamit nito ng pondo ng bayan sa pamamagitan ng pagpapamudmod ng PhilHealth cards na sinuportahan ng kampo ng KNP at naghain ang mga ito ng ‘motion to intervene’ sa Comelec. (Ulat ni Ellen Fernando)

AYON

COMELEC

DEMAREE RAVAL

ELLEN FERNANDO

ENERO

FAIR ELECTION ACT

HINILING

PANGULO

PANGULONG ARROYO

PEBRERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with