Karapatan ng religious groups na mag-endorso ng kandidato pagdedebatehan
April 1, 2004 | 12:00am
Isang oral argument ang itinakda ng Supreme Court (SC) upang alamin kung nararapat bang payagan ang Iglesia ni Cristo (INC), El Shaddai, Ang Dating Daan at Jesus Is Lord (JIL) na makasali sa pulitika at mag-endorso ng mga kandidato sa halalan.
Sa isang pahinang resolusyon ng SC en banc, nakatakda ang oral argument sa Abril 13, 2004 dakong alas-11 ng umaga sa SC session hall sa Baguio City.
Makikipagdebate sa mga abogado ng nasabing relihiyon ang party list group na Social Justice Society (SJS) na siyang naghain ng demanda dahil sa paniniwalang walang karapatan ang mga relihiyon na makihalo sa pulitika.
Pagbabasehan din ng Mataas na Hukuman sa kanilang gagawing paghatol sa naturang isyu ang mga argumentong ihahain ng bawat panig.
Nauna nang idinulog ng SJS ang demanda sa Manila Regional Trial Court (RTC) sa sala ni Judge Concepcion Alarcon-Vergara sa pamamagitan ng isang declaratory relief.
Sinabi ni Judge Vergara na walang karapatan ang mga relihiyon na mag-endorso ng kandidato sa halalan dahil lalabagin nito ang probisyon ng Konstitusyon.
Dahilan dito kung kayat umapela sina El Shaddai leader Mike Velarde sa SC at ang Iglesia ni Cristo sa pamamagitan ni Eraño Manalo sa Court of Appeals (CA) subalit pinagsama na lamang ng SC ang kaso sa kanilang hurisdiksyon.
Kabilang din sa naatasan ng SC na humarap sa naturang debate ang leader ng mga nasabing relihiyon kabilang dito sina Velarde, Manalo, Eliseo Soriano at presidential candidate Eddie Villanueva. (Ulat ni Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended