Usec at abogado ng DA sabit sa smuggling ng karne
April 1, 2004 | 12:00am
Idinawit kahapon ng isang opisyal ng Department of Agriculture ang pangalan ni DA Undersecretary Cesar Drilon at ang legal consultant umano ni Sec. Luis Lorenzo na si Atty. BenjaminTabios sa umanoy talamak na "smuggling" ng mga produktong karne dito sa bansa.
Sa isang panayam kay Benjamin Angeles, hepe ng DA Anti-Smuggling Task Force, sinabi nito na nakakaalarma na ang nangyayaring "smuggling" ng mga produktong karne na nagmumula kung saan-saang bansa, kasama na dito ang karne ng kalabaw na galing India na hanggang ngayon ay nangunguna pa rin sa talaan ng mga pinakamaraming kaso ng foot-and-mouth disease (FMD) sa buong mundo.
Mariing sinabi ni Angeles na sangkot umano ang legal consultant ni Lorenzo at si Usec. Drilon, kapatid ni Senate President Franklin Drilon, sa mga nangyayaring pagpapalusot ng karne dito sa Pilipinas, sa pamamagitan ng pag-aayos umano ng mga ito sa mga papeles ng mga parating na produktong karne sa bansa na maaari umanong kontaminado ng FMD at Avian flu virus na marami nang kinitil na buhay sa ibang bansa.
Bunga nito, lalong tumitibay ang agam-agam ng local hog raisers na ang pagdagsa ng mga imported na karne, partikular na ang "smuggled" na mga produkto ay siyang nagiging dahilan upang unti-unting mamatay ang lokal na industriya na naging dahilan upang magsitigil ang mga maliliit na backyard raisers dahil sa mahigpit na kumpitensiya dulot ng malalaking importers o smugglers.
Dahil dito, pinasisibak ng mga grupong National Federation of Hog Farmers of the Philippines (NFHFP), Bulacan-based Livestock Raisers Asso. of the Philippines (LRAP) at Agriculture Sector Alliance of the Phil. (ASAP) kay Pangulong Arroyo sina Drilon at Tabios.
Hindi naman nakuha ang panig ni Drilon at Tabios dahil ang mga ito ay kasalukuyang nasa Cebu. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended