Sinabi ni Tatad, lumitaw na kontrolado ngayon ng Lopez sa pamamagitan ng kanilang sudsidiary na First Philippine Infrastructure Development Corp. (FPIDC) ang 87.5 percent sa 81-kilometer North Expressway rehabilitation na dating 100% kontrolado ng Philippine National Construction Company (PNCC) na ngayon ang kontrol ay 2.5 percent na lamang.
Ipinaliwanag ni Tatad, hindi nakalusot ang joint venture na ito ng FPIDC at PNCC noong 1997 subalit nitong 2001 sa ilalim ng liderato ni GMA ay pinayagan nito na gamitin bilang equity ng Lopez Group ang kanilang investment sa Tipo-Subic tollway kung saan lumitaw na may equity itong P7 bilyon. (Ulat ni Rudy Andal)