^

Bansa

Reward kay Janjalani, P60-M na

-
Tumataginting na mahigit P60 milyon na ang pabuya para sa sinumang makapagtuturo o makapagbibigay ng impormasyon kapalit ng pagkakadakip kay Abu Sayyaf Group (ASG) chieftain Khadaffy Janjalani.

Ito ay matapos aprubahan ni Pangulong Arroyo ang rekomendasyon ni Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Joey Lina na itaas sa P10 milyon ang dating P5 milyong reward.

Bukod sa P10M ay may hiwalay pang $5-M o tig-$1M bawat isa ang pabuyang inilaan naman ng pamahalaan ng Estados Unidos para sa ikadarakip ni Janjalani at apat pang top leaders ng ASG na sina Hamsiraji Salih, Radulan Sahiron, Abu Solaiman at Isnilon Hapilon na pawang sangkot sa pagdukot sa kanilang mamamayan na sina American missionary couple Gracia at Martin Burnham at ang pinugutan ng ulong si Peruvian American hostage Guillermo Sobero.

Sina Burnham at Sobero ay kabilang sa 20 kataong dinukot ng grupo ni Janjalani. Si Janjalani ay nagpapalipat-lipat ng taguan sa Basilan bago nagtungo sa Sulu at tumakas naman patungong Palimbang, Sultan Kudarat noong Hulyo 6, 2003 sa takot na masukol sa Balikatan o ang RP-US joint military exercises sa Western Mindanao. (Ulat ni Joy Cantos)

ABU SAYYAF GROUP

ABU SOLAIMAN

ESTADOS UNIDOS

GUILLERMO SOBERO

HAMSIRAJI SALIH

ISNILON HAPILON

JANJALANI

JOEY LINA

JOY CANTOS

KHADAFFY JANJALANI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with