23 pulis kandidato sa local elections
March 29, 2004 | 12:00am
Umaabot sa kabuuang 23 pulis ang pumasok na rin sa mundo ng pulitika matapos na tumakbo sa ibat ibang posisyon sa local level kaugnay ng nalalapit na halalan sa bansa sa darating na Mayo 10.
Pero nilinaw ni P/Director Jose Lalisan, Directorate for Personnel Records and Management ng PNP na sandaling magsumite ng certificate of candidacy ang isang pulis para tumakbo sa anumang posisyon sa gobyerno ay kinokonsidera nang nagsipagbitiw sa tungkulin ang mga kandidatong pulis. Gayunman, ipinaliwanag naman ni Lalisan na makakatanggap pa rin ang mga ito ng mga benepisyo sa PNP.
Nabatid pa na sa kabuuang 23 kandidatong pulis ay si P/Chief Supt. Romeo Maganto ang may pinakamataas na ranggo, subalit iniatras na nito ang kanyang kandidatura.
"I dont have any information on where or what position he was running but theres also a certain PO1 that is also running for mayor this election," ani Lalisan.
Sa kabila nito, umaasa naman si Lalisan na magiging matagumpay ang nasabing mga pulis sa political arena. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
December 28, 2024 - 12:00am