Ipinaliwanag ni Gordon na ang patuloy na pagtaas ng matrikula sa pribadot pampublikong paaralan ay maaring makaapekto sa kalidad ng workforce at pagsulong ng ekonomiya ng Pilipinas.
Si Gordon, na patuloy na rumaratsada sa mga mock elections ng ibat ibang unibersidad sa buong bansa, ay nagsabing gagawa siya ng mga hakbang sa Senado di lamang upang ipagpaliban ang pagtaas sa matrikula kung hindi pati na rin ang mga financial concerns ng mga paaralan nang hindi naman ito tuluyang malugi. (Ulat ni Ellen Fernando)