Ginawa ni Barbers ang panawagan kaugnay ng anti-terror raid kamakailan sa apat na palapag na gusali ng Muslim tenement sa Cubao, Quezon City na pinagsususpetsahang bahagi ng isang terrorist cell na nag-ooperate sa Metro Manila.
Sinabi ng dating kalihim ng DILG na bigyang prayoridad ng US ang kahilingan ng bansa dahil ang banta ng Abu Sayyaf at kanilang ugnayan sa Jemmah Islamiyah ay natukoy na at ang panganib ng pag-atake ay nananatiling buhay. Hindi umano dapat na balewalain ng US ang Pilipinas dahil isa ito sa mga unang bansa sa Asya na nagpahayag ng pagsuporta sa laban nila sa terorismo.
Nagbabala din ang tagapangulo ng Senate committee on public order and illegal drugs na ang eksplosibong nakumpiska sa QC ay indikasyon ng terrorist plot na binabalak ng Abu Sayyaf sa malapit na hinaharap at ang gaganaping halalan ang tamang panahon para maghasik ng terorismo at pangamba sa mamamayan. (Ulat ni Rudy Andal)