Ayon kay Rep. Pichay, dapat madesisyunan kaagad ang kaliwat kanang asuntong isinampa kontra sa Pangulo upang mapatunayan na ito ay pawang mga paninira lamang. "Pinipilit ng oposisyon na pabagsakin si Pangulong Arroyo dahil alam nila na ang kandidatura ng Pangulo ang dapat talunin sa halalan," anang solon.
Idinagdag pa nito na ipinakikita ng oposisyon ang kawalan nito ng kakayahang labanan sa malinis na paraan si Arroyo kaya idinadaan na lamang nila sa paninira ang laban. (Ulat ni Malou Rongalerios)