Mga kasong isinampa vs GMA desisyunan na!
March 28, 2004 | 12:00am
Hiniling kahapon ni Surigao del Sur Rep. Prospero Pichay Jr. sa mga kinauukulan na agad na dinggin at desisyunan ang mga inihaing kaso laban kay Pangulong Arroyo.
Ayon kay Rep. Pichay, dapat madesisyunan kaagad ang kaliwat kanang asuntong isinampa kontra sa Pangulo upang mapatunayan na ito ay pawang mga paninira lamang. "Pinipilit ng oposisyon na pabagsakin si Pangulong Arroyo dahil alam nila na ang kandidatura ng Pangulo ang dapat talunin sa halalan," anang solon.
Idinagdag pa nito na ipinakikita ng oposisyon ang kawalan nito ng kakayahang labanan sa malinis na paraan si Arroyo kaya idinadaan na lamang nila sa paninira ang laban. (Ulat ni Malou Rongalerios)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am