^

Bansa

3-araw tigil-pasada tuloy

-
Hindi na mapipigilan pa ang bantang tatlong araw na tigil-biyahe ng mga transport groups na magsisimula bukas, Marso 29 hanggang Marso 31.

Ito ay kahit nagpahayag na ang pamunuan ni Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) chairperson Elena Bautista na kakanselahin ang prangkisa ng mga operator sa sandaling ituloy ang kanilang welga.

Sinabi ni Pinagkaisang Samahan ng Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) president Mar Gavida, hindi sila natatakot sa bantang ito ng gobyerno at sa halip ay nagkaisa ang kanilang samahan na may 250,000 strong members na itigil muna ang pamamasada hanggat hindi inaaksiyunan ng LTFRB ang kanilang kahilingan na P1.50 taas sa singil sa pasahe.

Ang PISTON ay suportado rin ng Samahan ng mga Tsuper at Operators sa Pilipinas (STOP) at FEJODAP.

Ayon kay Bautista, kakanselahin ng ahensiya ang prangkisa ng mga magsasagawa ng transport strike dahil wala anyang karapatan ang sinumang transport groups na maglunsad ng tigil-pasada dahil ito ay paglabag sa kanilang prangkisa.

"Ang responsibilidad ng mga franchise holders ay magbigay ng serbisyo sa riding public at hindi upang magbigay ng problema sa mga ito, ito ay alinsunod sa itinatakda ng kanilang prangkisa," pahayag ni Bautista.

Samantala, inutusan ni Pangulong Arroyo ang LTO, MMDA at PNP-Traffic Management Group na magbigay ng ayuda sa mga taong maaapektuhan ng naturang welga. Magpapalabas ng mga trak at bus para sa mga commuter na maaantala dahil sa nasabing strike.

Kaugnay nito, biglang lumambot naman ang posisyon ng National Confederation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines and Jeepney Transport Coaliton (NACJODAP) matapos nilang iurong ang kanilang nakatakdang tatlong araw na jeepney strike.

Sa pakikipagpulong kahapon ng NACJODAP sa Makati city, sinabi ng grupo na pinakisuapan sila nina Bautista at DOTC director Ferdinadn Lagman. Pumayag sila sa naging hakbangin ng mga ito na idaan sa tamang proseso ang kanilang kahilingan na dagdag pasahe base sa itinatakda ng batas, kasabay ng pangako ng dalawang opisyal na kanilang reresolbahan at mamadaliin ang pagdinig sa petisyon ng transport group para sa pagtaas ng pamasahe.

Bukod dito, sinaalang-alang din ng rupo ang kapakanan ng publiko na higit na maapektuhan sa naturang pag-aklas.

Pero nagbanta ang nabanggit na grupo na kapag nakaramdam sila ng delaying tactics, hindi sila mag-aatubiling muling maglusand ng mas matindi pang transport strike. (Ulat nina Angie dela Cruz at Lordeth Bonilla)

BAUTISTA

DRIVERS ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES AND JEEPNEY TRANSPORT COALITON

ELENA BAUTISTA

FERDINADN LAGMAN

KANILANG

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING REGULATORY BOARD

LORDETH BONILLA

MAR GAVIDA

MARSO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with