Inihayag ito ng Pangulo sa inilunsad niyang Patubig ni Gloria sa La Huerta, Parañaque kahapon bilang paglilinaw sa anyay kaliwat kanang mga kasong isinampa laban sa kanya hinggil sa tinaguriang "sweetheart deal ng gobyerno sa Maynilad na pag-aari ng pamilyang Lopez.
Inihayag din ng Pangulo na pabor siyang gawing malinaw sa publiko ang kasunduan para sa rehabilitasyon ng Maynilad na maglilipat ng mayoryang pag-aari ng kompanya ng tubig sa gobyerno. (Ulat ni Lilia Tolentino)