Kabayan umamin sa Maynilad deal
March 27, 2004 | 12:00am
Inamin ni Sen. Noli "Kabayan" de Castro na maaaring nagkaroon ng deal sa pagitan ng Malacañang at pamilyang Lopez tungkol sa pagsalo ng pamahalaan sa bankrupt na Maynila Water Services Inc.
Sa panayam sa DZBB, sinabi ni de Castro na di malayong nagkaroon nga ng kasunduan si Pangulong Arroyo at mga Lopez, ngunit idinugtong ng senador na siya ay tumatakbo ngayon para sa pagka-bise presidente bilang running mate ni Arroyo dahil sa hiling ng taong bayan. Ano man ang kasunduan ni PGMA at Lopezes ay hindi siya kasama sa usapin.
Pinuna naman ni Arnold Padilla, senior researcher at advocacy specialist ng Ibon Foundation, ang pananalita ni de Castro na maliwanag na naghuhugas kamay lamang umano para huwag siyang tamaan ng nagbabadyang kaguluhan tungkol sa maanomalyang pagsoli ng Maynilad sa MWSS ng kanilang prangkisa.
Napuna ni Padilla na bakit hindi binabatikos ni de Castro ang maanomalyang kasunduan gayong ipiniprisinta niya ang kanyang sarili bilang tagapagtanggol ng masa at maliliit na mamamayan na siyang magpapasan ng resulta ng kasunduang ito.
Malawakan at maigting ang pagtuligsa sa nasabing deal dahil nangangahulugan ng pagkalugi ng pamahalaan ng hindi bababa sa P8 bilyon.
Ayon kay Padilla, ang pagsasalba sa Maynilad ay bahagi ng kasunduan ng mga Lopez at ni Arroyo kapalit ng pagpayag ni de Castro na tumakbo bilang bise presidente. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest