Sa pahayag ng Alyansa ng mga Kinotongan at Inabuso ni Noli (AKIN), magsasa-sama ang lahat ng naging biktima ng umanoy pangongotong ni de Castro para ipagbanduhan sa publiko ang mapait na sinapit nila sa kamay ng kandidato ng administrasyon.
Pinuri ni AKIN spokesman Enrico Garcia ang katapangan ni Lorna Justine Ramos nang ibulgar nito ang ginawang pag-cover-up ni de Castro ngunit naabsuwelto din noong isang taon. Isiniwalat ni Engle na nang di niya ibinigay ang P2 milyong hinihingi umano ni de Castro ay siya ang ginawa nitong suspek sa umanoy pagkidnap kay Daisy.
Kamakalaway nagpainterbyu na rin sa isang malaking radio station ang ilang hog raiser na nagreklamong kinotongan rin umano sila ni de Castro noong kainitan ng foot-and-mouth disease. Sinabi ng mga magbababoy na tinakot sila ni de Castro na kung di sila magbibigay ng pera ay irereport niya sa MGB na nakarating na sa Pilipinas ang FMD na magreresulta sa pagkasira ng kanilang negosyo. (Ulat ni Ellen Fernando)